I voted a resounding “yes” and even co-authored this urgent measure when it wasdeliberated in the Senate. The President’s move shows a genuine commitment to help ease the burden of the Filipino people amid skyrocketing fuel prices.
Lahat tayo ay apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis—at kasunod nito, ang pagmahal ng mga pangunahing bilihin na lalo pang nagpapahirap sa ating mga kababayang kapos sa buhay. Kaya malinaw: kailangan ng mabilis at konkretong aksyon.
While the government stands to lose billions in foregone revenues, mas mahalaga sa panahong ito ang kapakanan ng mamamayan. Sa gitna ng krisis, kailangang maibsan ang bigat ng gastusin ng bawat pamilya upang mapanatili ang galaw ng ekonomiya at matiyak na hindi tuluyang mababaon sa hirap ang ating mga kababayan.

