Jinggoy proposes expansion of SSS’ cash aid to laid-off workers

A lifeline for OFWs, workers during periods of joblessness
Jinggoy proposes expansion of SSS’ cash aid to laid-off workers

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada is pushing to expand the unemployment benefits of the Social Security System (SSS) to strengthen the safety net for workers who have lost their jobs due to layoffs, retrenchment, or company closures – including overseas Filipino workers (OFWs) repatriated due to escalating tensions in the Middle East.

“Hindi lang kita ang nawawala sa mga nawalan ng trabaho. Nawawalan din sila ng pag-asa at seguridad ng kanilang pamilya kung paano maitatawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa ganitong pagkakataon, dapat may nasasandalan silang tulong at malasakit ng pamahalaan upang makabangon muli,” Estrada, a staunch advocate of workers’ rights, stressed.

“Ang panukalang cash aid ay hindi limos. Ito ay proteksyon laban sa gutom at kahirapan habang sila’y naghahanap ng bagong trabaho,” he added.

Estrada wants the SSS to expand its unemployment benefits to last up to five months, from the current 50% of a member’s average monthly salary credit for two months.

Under Estrada’s Senate Bill No. 1070, the duration of assistance for displaced workers will depend on the number of years they have contributed to the SSS.

Members who have contributed for at least one year will receive monthly cash assistance equivalent to one-third of their current monthly minimum wage; while
those with six months to less than two years of contributions may receive one month of benefits; two to less than four years, two months; four to less than six years, three months; six to less than eleven years, four months; and eleven to less than fifteen years, up to five months of benefits.

Estrada said his proposal is designed to serve as a lifeline for workers during periods of joblessness to help them meet basic needs and maintain dignity while transitioning to new employment.

“In today’s unpredictable economy, job loss can happen overnight. Workers who have contributed to nation-building should not be left helpless when circumstances beyond their control take away their livelihood,” Estrada said.


Jinggoy itinutulak ang hanggang limang buwang SSS cash aid para sa mga nawalan ng trabaho

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagpapalawig ng unemployment benefits ng Social Security System (SSS) bilang karagdagang safety net para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa layoffs, retrenchment, o pagsasara ng kumpanya, kabilang na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

“Hindi lamang kita ang nawawala sa mga displaced na manggagawa, kundi pati na rin pag-asa at seguridad ng kanilang pamilya kung paano maitatawid ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa ganitong pagkakataon, dapat may nasasandalan silang tulong at malasakit ng pamahalaan upang makabangon muli,” saad ni Estrada, na isang masugid na tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga manggagawa.

“Ang panukalang cash aid ay hindi limos. Ito ay proteksyon laban sa gutom at kahirapan habang sila’y naghahanap ng bagong trabaho,” dagdag pa niya.

Ipinapanukala ni Estrada ang pagpapalawig ng unemployment benefits ng SSS upang umabot hanggang limang buwan, mula sa kasalukuyang dalawang buwan, na katumbas ng 50% ng average monthly salary credit ng miyembro.

Sa ilalim ng kanyang inihaing Senate Bill No. 1070, ang haba ng tulong na matatanggap ng miyembrong nawalan ng trabaho ay ibabatay sa bilang ng taon ng kanilang hulog sa SSS.

Ang mga miyembrong nakapaghulog ng hindi bababa sa isang taon ay makatatanggap ng cash assistance na katumbas ng one-third ng ipinatutupad na buwanang minimum wage. Samantala, ang mga may anim na buwan hanggang mas mababa sa dalawang taong kontribusyon ay maaaring makatanggap ng isang buwang benepisyo; dalawa hanggang mas mababa sa apat na taon, dalawang buwan; apat hanggang mas mababa sa anim na taon, tatlong buwan; anim hanggang mas mababa sa labing-isang taon, apat na buwan; at labing-isa hanggang mas mababa sa labinlimang taon, hanggang limang buwan na benepisyo.

Ayon kay Estrada, layunin ng kanyang panukala na magsilbing lifeline para sa mga manggagawa sa panahon ng kawalan ng trabaho upang matulungan silang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan habang naghahanap ng panibagong kabuhayan.

“Sa hindi tiyak na takbo ng ekonomiya ngayon, maaaring mawala ang trabaho sa isang iglap. Ang mga manggagawang nag-ambag sa pag-unlad ng bansa ay hindi dapat pabayaang mawalan ng sandigan kapag nawalan sila ng kabuhayan dahil sa mga pangyayaring wala silang kontrol,” ani Estrada.