AS the global oil supply crisis pushes fuel prices higher, Senator Jinggoy Ejercito Estrada expressed his support to Malacañang’s call for Congress to amend the country’s biofuels policy by giving the government flexibility in implementing biofuel requirements to help cushion the impact of fuel price shocks on consumers.
Estrada said his Senate Bill No. 1485, or the proposed “Murang Langis Act,” aligns with the call of President Ferdinand Marcos Jr. for Congress to amend Republic Act No. 9367, or the Biofuels Act of 2006, to allow the use of cheaper bioethanol and prevent additional fuel price pressures caused by supply disruptions in the Gulf region.
“Oil remains the driving force of our economy — from transportation and agriculture to the cost of goods and services. At a time when global oil supply concerns are putting pressure on fuel markets, we must ensure that policies meant to promote sustainability do not unintentionally burden Filipino consumers,” Estrada said.
“Ang panukalang ito ay nagbibigay ng mekanismo upang pansamantalang ihinto ang blending requirement kung magdudulot ito ng dagdag na 5% sa presyo ng gasolina o diesel,” the veteran lawmaker added.
The bill is set to be taken up on Wednesday, March 11, 2026, by the Senate Committee on Ways and Means.
Estrada’s bill would allow the President, upon the recommendation of the National Biofuels Board (NBB) and the Department of Energy (DOE), to temporarily suspend the mandatory biofuel requirement if the price of blended gasoline or diesel becomes at least five percent higher than pure petroleum fuel.
The suspension may last for a period of not more than one year, the senator said.
“While the Biofuels Act was designed to promote cleaner fuels and support our agricultural sector, we must also ensure that our policies remain responsive during extraordinary global market disruptions,” Estrada said.
“Sa gitna ng tensyon at sigalot sa Middle East, dapat malinaw ang ating prayoridad: protektahan ang publiko laban sa pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, habang pinananatili ang pangmatagalang polisiya sa enerhiya,” the senator added.
Panawagan ng Malacañang na luwagan ang biofuels rules habang sumisirit ang presyo ng langis, suportado ni Jinggoy
SA gitna ng pagsirit ng presyo ng langis dulot ng pandaigdigang krisis sa suplay, inihayag ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang kanyang suporta sa panawagan ng Malacañang sa Kongreso na amyendahan ang biofuels policy ng bansa.
Ito ay para mabigyan ang pamahalaan ng kakayahan na suspindihin ang biofuels requirements upang maibsan ang epekto ng biglaang pagtaas ng presyo ng langis sa mga mamimili.
Ayon kay Estrada, ang kanyang Senate Bill No. 1485 o ang panukalang “Murang Langis Act” ay naaayon sa panawagan ni Pangulong Marcos na amyendahan ang Republic Act No. 9367 o ang Biofuels Act of 2006 upang payagan ang paggamit ng mas murang bioethanol at maiwasan ang dagdag na pressure sa presyo ng langis bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan.
“Nanatiling mahalagang puwersa ng ating ekonomiya ang langis — mula sa transportasyon at agrikultura hanggang sa presyo ng mga bilihin. Sa panahon ng pandaigdigang pangamba sa supply ng langis, dapat nating tiyakin na ang mga patakarang nagtataguyod ng sustainability ay hindi nagiging dagdag na pasanin ng mga Pilipinong mamimili,” ani Estrada.
“Ang panukalang ito ay nagbibigay ng mekanismo upang pansamantalang ihinto ang blending requirement kung magdudulot ito ng dagdag na 5% sa presyo ng gasolina o diesel,” dagdag pa ng beteranong mambabatas.
Nakatakdang talakayin ang panukalang batas sa Miyerkules, Marso 11, 2026, ng Senate Committee on Ways and Means.
Sa ilalim ng panukala ni Estrada, maaaring payagan ang Pangulo— batay sa rekomendasyon ng National Biofuels Board (NBB) at ng Department of Energy (DOE) — na pansamantalang suspindihin ang mandatory biofuel requirement kung ang presyo ng blended gasoline o diesel ay hindi bababa sa limang porsiyento na mas mataas kumpara sa purong petroleum fuel.
Ayon sa senador, maaaring ipatupad ang suspensyon nang hindi lalampas sa isang taon.
“Bagama’t nilikha ang Biofuels Act upang itaguyod ang mas malinis na fuel at suportahan ang ating sektor ng agrikultura, kailangan din nating tiyakin na nananatiling angkop at tumutugon ang ating mga polisiya sa mga pambihirang pagbabago at krisis sa pandaigdigang merkado,” ani Estrada.
“Sa gitna ng tensyon at sigalot sa Middle East, dapat malinaw ang ating prayoridad: protektahan ang publiko laban sa pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, habang pinananatili ang pangmatagalang polisiya sa enerhiya,” dagdag pa ng senador.


