
Lubos na nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng global oil prices dulot ng tumitinding tensyon sa Middle East. Kapag tumataas ang presyo ng krudo, kasunod nito ang pagtaas ng presyo ng gasolina, pamasahe, at mga pangunahing bilihin—dagdag pasanin na naman ito sa mga pamilyang Pilipino.
Umaasa ako na may nakahandang hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang epekto nito, kabilang ang agarang pagbibigay ng fuel subsidies para sa ating mga tsuper, magsasaka, at mangingisda, at ang mahigpit na pagbabantay sa presyo ng langis.
Sa ganitong panahon, mahalagang matiyak na napoprotektahan ang kapakanan ng bawat Pilipino.

