Statement on the death of 19-year old Kenneth Alcedo in an alleged hazing incident

I strongly condemn the death of 19-year-old Kenneth Alcedo, who reportedly lost his life after being subjected to hazing in General Trias, Cavite.

Napakasakit isipin na hanggang ngayon ay may mga kabataang nawawalan pa rin ng buhay dahil sa marahas at walang saysay na initiation rite. Walang puwang ang karahasan sa anumang organisasyon na nagsasabing itinataguyod ang brotherhood at camaraderie.

Taos-puso akong nakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Kenneth. Nakikiisa ako sa kanilang panawagan para sa hustisya.

Nananawagan din ako sa ating mga awtoridad na agad mahanap at mapanagot ang lahat ng sangkot. Dapat ding mahigpit na ipatupad ang Anti-Hazing Law upang matiyak na wala nang pamilyang makakaranas ng ganitong uri ng trahedya.