Co-Sponsorship on Senate Bill No. 1822 under Committee Report No. 28 An Act Instituting a National Plan of Action for the Care, Support and Inclusion of Persons with Autism Spectrum Disorder and Appropriating Funds Therefor

CO-SPONSORSHIP SPEECH

Senate Bill No. 1822 under Committee Report No. 28

AN ACT INSTITUTING A NATIONAL PLAN OF ACTION FOR THE CARE, SUPPORT AND INCLUSION OF PERSONS WITH AUTISM SPECTRUM DISORDER AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR

SEN. JINGGOY EJERCITO ESTRADA

February 10, 2026

Mr. President, distinguished colleagues, I rise today to co-sponsor and co-author the proposed “National Autism Care, Support, and Inclusion Act,” a measure that affirms the State’s duty to recognize persons with Autism Spectrum Disorder (ASD) as persons with disability, whose rights, dignity, and inherent worth must be protected at all times. This bill is anchored on a simple but powerful principle: walang maiiwan, and every Filipino regardless of neurological condition deserves equal opportunity to live with dignity, purpose, and hope. Sa panahong patuloy ang laban ng maraming pamilya sa kakulangan ng suporta para sa autism, malinaw na panahon na para kumilos ang pamahalaan.

This measure is significant because it mandates a National Plan of Action for Autism Spectrum Disorder, ensuring a whole-of-government and whole-of-society approach. Sa halip na pira-piraso at hindi magkakaugnay na programa, magkakaroon tayo ng malinaw na direksyon, mula early detection at screening, hanggang sa intervention, edukasyon, trabaho, at social protection. Ang National Council on Disability Affairs (NCDA), katuwang ang mga ahensya ng gobyerno, LGUs, civil society, autism self-advocates, at mga magulang, ang mangunguna sa planong ito upang matiyak na ang mga polisiya ay tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad.

Mahalaga ring bigyang-diin na ang panukalang batas na ito ay nakatuon sa maagang pagkilala at maagap na interbensyon. Alam natin na sa autism, time is critical. Kapag maagap ang screening at diagnosis, mas malaki ang tsansa ng bata na maabot ang kanyang buong potensyal. Sa pamamagitan ng integrasyon ng ASD detection sa primary health care at maternal and child health programs, mas mailalapit natin ang serbisyo sa mga pamilya, lalo na sa mga nasa malalayong lugar at nasa laylayan ng lipunan.

Hindi rin po natin nakalimutan ang aspeto ng inclusive education at employment. Ang panukalang batas na ito ay naglalatag ng malinaw na tungkulin para sa DepEd, CHED, TESDA, at DOLE upang ihanda ang persons with ASD hindi lamang para sa silid-aralan kundi para rin sa makabuluhang hanapbuhay. Naniniwala tayo na ang autism ay hindi hadlang sa kakayahan, talento, at ambag sa lipunan. Ang kailangan lamang ay tamang suporta, makatwirang accommodation, at bukas na isipan ng komunidad.

Sa huli, mga kasama ko sa Senado, ang panukalang batas na ito ay paninindigan laban sa diskriminasyon. Itinatakda nito na bawal ang anumang anyo ng pang-aapi, pagkitil, o paghadlang sa karapatan ng persons with ASD. Sa pamamagitan ng sapat na pondo, malinaw na implementasyon, at patuloy na adbokasiya, maitataguyod natin ang isang lipunang tunay na inklusibo. I also filed Senate Bill No. 967 dahil buong-buo kong sinusuportahan ang panukalang ito at hinihikayat ko ang aking mga kapwa mambabatas na samahan ako sa pagsusulong ng isang mas makatao, makatarungan, at mapagkalingang kinabukasan para sa persons with autism at kanilang mga pamilya.

Thank you, Mr. President.