Statement on the P800 wage hike in kasambahay’s minimum wage

Thirteen years since the enactment of Republic Act No. 10361, or the Batas Kasambahay, we are now reaping the fruits of our hard work in steering the passage into law of this landmark legislation, which I pushed and championed in the Senate.

Para sa mga kababayan nating araw-araw na nagsusumikap at itinataguyod ang kanilang pamilya bilang mga kasambahay, malaking tulong ang karagdagang P800 sa kanilang buwanang minimum wage, lalo na sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Batas Kasambahay, nananatili ang aking pangako na patuloy na paigtingin at palakasin ang implementasyon ng batas na ito upang mas maprotektahan ang kapakanan at dignidad hindi lamang ng mga kasambahay kundi maging ng kanilang mga employer, at upang matiyak ang patas at maayos na ugnayan sa lugar ng trabaho.