AMID growing public outrage over corruption in government, Senator Jinggoy Ejercito Estrada has filed a bill seeking to relax certain restrictions under the Bank Secrecy Law to allow the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) to examine bank deposits when there are reasonable grounds to believe that fraud or other unlawful activities are being committed.
“Hindi dapat sinasangkalan ang bank secrecy para gumawa ng kalokohan. Kung may malinaw na dahilan ang BSP para maghinala na may katiwalian o iligal na gawain, dapat may kakayahan itong silipin ang mga account ayon sa batas,” Estrada said.
Under Senate Bill No. 1047, Estrada seeks to amend Republic Act No. 1405, or the Secrecy of Bank Deposits Law, to introduce carefully defined exceptions that would allow the BSP, in the exercise of its supervisory powers, and competent courts to look into suspicious bank accounts linked to bribery, fraud, money laundering, or other serious financial crimes.
Under the measure, the BSP may examine bank deposits when there is a reasonable basis to believe that fraud, serious irregularities, or unlawful activities have been or are being committed. Such inquiry must be authorized by the BSP’s Monetary Board and conducted strictly for official purposes only, such as investigating financial crimes or shuttered banks.
The bill provides strong safeguards to prevent abuse, such as bank deposits cannot be examined during an election period if it would prejudice any candidate; funds deposited before the law takes effect remain protected; and the results of any examination cannot be disclosed freely and may only be used under strict conditions for criminal prosecution.
“These safeguards ensure that the law will not be weaponized for political harassment, while preventing bank secrecy from being used as a shield for corruption,” Estrada explained.
The proposed amendments will apply to both peso and foreign currency deposits, striking a balance between protecting individual privacy and strengthening the government’s capacity to detect and prosecute financial misconduct.
“By amending this law, we empower our institutions to go after dirty money, hold wrongdoers accountable, and restore public trust in government,” Estrada said.
Jinggoy, itinutulak ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa BSP na siyasatin ang mga bank deposit na may kaugnayan sa iligal na gawain
SA gitna ng umiinit na usapin ng korapsyon sa pamahalaan, naghain si Senator Jinggoy Ejercito Estrada ng panukalang batas na magpapaluwag sa ilang probisyon ng Bank Secrecy Law upang pahintulutan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyasatin ang mga bank deposits na pinaghihinalaang may kaugnayan sa iligal na mga aktibidad.
“Hindi dapat sinasangkalan ang bank secrecy para gumawa ng kalokohan. Kung may malinaw na dahilan ang BSP para maghinala na may katiwalian o ilegal na gawain, dapat may kakayahan itong silipin ayon sa batas,” ani Estrada.
Sa kanyang inihain na Senate Bill No. 1047, iminumungkahi ni Estrada ang pag-amyenda sa Republic Act No. 1405, o ang Secrecy of Bank Deposits Law, upang bigyan ng malinaw na kapangyarihan ang mga hukuman at ang BSP na gamitin ang kaniyang supervisory powers na magsiyasat ng mga kahina-hinalang accounts kung mayroon itong matibay na ebidensiya ng panunuhol, pandaraya, money laundering, o iba pang iligal na gawain na may kinalaman sa usaping kaperahan.
Ayon sa panukalang batas, ang anumang pagsisiyasat ay maaari lamang isagawa kung may sapat na batayan na may nagaganap o naganap na seryosong iregularidad o iligal na aktibidad. Ang anumang pagsisiyasat na gagawin ay kinakailangang aprubado ng Monetary Board ng BSP.
Isinasaad din ng panukala na ang naturang pagsusuri ay gagamitin lamang para sa opisyal na layunin, katulad ng imbestigasyon ng mga krimeng pinansyal o ng mga saradong bangko.
Upang maiwasan ang anumang pang-aabuso, itinatakda sa panukala ang malinaw na mga safeguards, tulad ng hindi maaaring siyasatin ang mga bank account sa panahon ng eleksyon upang hindi ito magamit laban sa sinumang kandidato; protektado ang mga perang naideposito na bago pa ipatupad ang batas; at ang resulta ng anumang pagsusuri ay hindi maaaring basta-basta ibunyag sa publiko, maliban kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kasong kriminal.
Saklaw ng mga patakarang ito ang parehong peso at foreign currency deposits, upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng karapatan sa privacy ng mamamayan at ng pangangailangang palakasin ang kakayahan ng pamahalaan na labanan ang katiwalian at mga krimeng pinansyal.
“Sa pag-amyenda ng batas na ito, binibigyan natin ng sapat na kapangyarihan ang ating mga institusyon upang matukoy at mapanagot ang mga sangkot sa krimeng pinansyal, at maibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan,” diin ni Estrada.

