Jinggoy files bill giving urban poor priority rights to own government-owned land they occupy

SENATOR Jinggoy Ejercito Estrada is pushing for the approval of a measure that will give underprivileged families living in resettlement areas the right to own the lots they have called home for years.

“If they are the actual occupants and qualified beneficiaries, they should be first in line – not last. Pangarap ng bawat pamilyang Pilipino ang mag may-ari ng sariling bahay at lupa. Bakit natin sila pagkakaitan na matupad ito lalo na’t may kakayahan naman sila na bilhin ang kinatitirikan ng tinuturing nilang tahanan ng mahabang panahon na?” Estrada asked.

Estrada’s Senate Bill No. 1002 strengthens the rights of poor and homeless families to live on and own government-owned lands meant for socialized housing.

“This measure aims to correct long-standing situations where poor families, despite living on the land for a decade or more, lose their homes because the property is sold to other buyers who can offer a higher price during bidding,” Estrada said.

SB 1002 ensures that actual occupants get first priority to own the land they have long lived on. Instead of opening these properties to public bidding, families who declare their intent to buy can acquire them through negotiated purchase at affordable rates. Public bidding will only happen if the occupants refuse or cannot afford the government’s valuation.

To qualify, residents must be recognized as beneficiaries under the Urban Development and Housing Act, must have lived on the property for at least 10 years, and must agree to follow existing rules on resale or transfer.

In short, SB 1002 gives long-time occupants a fair chance to finally secure legal ownership of the land they call home, promoting social justice and protecting the dignity of the urban poor.

Estrada emphasized that the State’s duty is to make decent and affordable housing accessible to the poor — not allow them to be outbid and displaced.

“This bill strikes a balance between transparency in government land disposition and our responsibility to uplift homeless and underprivileged families,” he said.

If passed, SB 1002 will strengthen the country’s socialized housing program and provide long-awaited security of tenure to thousands of Filipino families.


Jinggoy itinutulak ang pagpasa ng batas na magbibigay prayoridad sa urban poor na magmay-ari ng lupang pag-aari ng gobyerno na kanilang tinitirhan

NAIS ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na maisabatas ang pagbibigay prayoridad sa mga mahihirap na pamilyang naninirahan sa mga resettlement areas ng karapatang maging may-ari ng lupang matagal na nilang tinitirhan.

“Kung sila ang talagang naninirahan at kwalipikadong benepisyaryo, dapat sila ang bigyan ng prayoridad na mag may-ari. Pangarap ng bawat pamilyang Pilipino ang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Bakit natin sila pagkakaitan na matupad ito lalo na’t may kakayahan naman silang bilhin ang kinatitirikan ng kanilang tahanan sa mahabang panahon?” tanong ni Estrada.

Sa inihaing Senate Bill No. 1002, nais ni Estrada na bigyan ng karapatan ang mga mahihirap na pamilya na bilhin at ariin ang mga lupang pag-aari ng pamahalaan kung saan matagal na silang naninirahan.

“Layunin ng panukalang ito na itama ang matagal nang sitwasyon kung saan ang mahihirap na pamilya, kahit dekada nang nakatira sa lupa, ay nawawalan ng tahanan dahil ibinebenta ang ari-arian sa ibang mamimili na kayang mag-alok ng mas mataas na presyo sa bidding,” paliwanag ni Estrada.

Tinitiyak ng SB 1002 na ang mga aktuwal na nakatira sa lupa ang unang bibigyan ng pagkakataong maging may-ari nito. Sa halip na isailalim sa public bidding, ang mga pamilyang magpapahayag ng intensyon na bumili ay maaaring makuha ang lupa sa pamamagitan ng negotiated purchase sa abot-kayang halaga. Magkakaroon lamang ng public bidding kung sila ay tatanggi o kung hindi nila kayang bayaran ang itinakdang halaga ng gobyerno.

Upang maging kwalipikado, ang mga residente ay dapat kinikilalang benepisyaryo sa ilalim ng Urban Development and Housing Act, naninirahan sa lupa nang hindi bababa sa 10 taon, at sumang-ayon sa umiiral na mga patakaran sa pagbebenta o paglilipat ng ari-arian.

Sa madaling salita, binibigyan ng SB 1002 ang matagal nang naninirahan sa lupa ng patas na pagkakataong makamit ang legal na pagmamay-ari sa lupang kanilang tinitirhan—isang hakbang tungo sa social justice at pagprotekta sa dignidad ng mga urban poor.

Binigyang-diin ni Estrada na tungkulin ng pamahalaan na gawing abot-kamay at abot-kaya ang disenteng pabahay para sa mahihirap.

“Ang panukalang batas na ito ay naghahanap ng balanse sa pagitan ng transparency sa pamamahagi ng lupang pag-aari ng gobyerno at ng ating responsibilidad na iangat ang mga walang tirahan at mahihirap na pamilya,” aniya.

Kapag naisabatas, palalakasin ng SB 1002 ang programa ng socialized housing ng bansa at magbibigay ng matagal nang inaasam na security of tenure sa libu-libong pamilyang Filipino.