PRIVILEGE SPEECH
SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA
Senate of the Philippines
10 September 2025
NO ONE IS SAFE
Mr. President and distinguished colleagues:
I rise today on a matter of personal and collective privilege.
Yesterday, in the aftermath of the Senate Blue Ribbon hearing we held last Monday, my name was viciously, maliciously, and intentionally dragged and attacked at the Tri-Committee hearing of the House of Representatives. My attacker was no less than the person who I moved to be cited in contempt for shamelessly and repeatedly lying under oath about his role in the anomalous and ghost flood control projects in the First Engineering District of the Province of Bulacan where he served as Assistant District Engineer and later as OIC District Engineer until he was recently sacked.
Mr. President, at the Blue Ribbon hearing, all this person did was to play innocent, feign ignorance and to try to convince us that he was simply following orders and instructions from his boss. From receiving a billion of cash, talking to pseudo-contractors, signing falsified documents all the way to gambling away millions and millions of money stolen from the public coffers at casinos- he claimed that in all of these, he was just “following orders.”
Indeed, when confronted and cornered with a barrage of questions from this representation and our other colleagues about his fantastic and shady lifestyle and dealings, he fed the Committee lies and stories that taxed our credulity to the hilt and left us and the public in awful disgust. Clearly, he perjured himself and we cited him in contempt. Bunsod ng aking mosyon, ipinakulong natin siya.
Mr. President, appearing the next day at the Tri-Comm hearing at the House of Representatives, this former DPWH Assistant District Engineer by the name of Brice Ericson Diaz Hernandez, or “Brice”, a.k.a. “Marvin Santos De Guzman” (his casino alias) apparently realized he needed to “level-up” dahil hindi niya nalusutan ang ating Blue Ribbon Committee. Hindi pa sapat ang pagsisinungaling niya para pagtakpan at mai-salba niya ang sarili niya.
So, while he was in detention here at the Senate, sabi niya “nakapag-isip po ako at nag-desisyon na maglabas ng ilang nalalaman ko sa flood control project…sabi nya tama po si Senator Lacson na ang mga engineers ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang. Kung tatanungin nyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon.”
Nakapag-isip? May maniniwala ba dihto samantalang ayon nga sa impormasyon ni Sen. Lacson, habang naghe-hearing ang Blue Ribbon noong September 1, eh nasa-casino siya at nagsusugal?!
And then, lo and behold, during the Tri-Com hearing, he then proceeded to take off from that remark jokingly addressed to me by Senator Marcoleta when Mr. Discaya said that there were no senators involved: ang sabi ni Sen Marcoleta “Safe ka na.”
Mr. Hernandez said:
Sabi ni Senator Marcoleta kahapon, ligtas ka na. Hindi po ito totoo. Si Senator Jinggoy Ejercito Estrada, Senator Joel Villanueva, USEC Robert Bernardo at SE Alcantara. Si Sen. Jinggoy po ay nagbaba ng P355 million ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan at ang sabi po ng Boss ko dito ay 30% ang commitment dito.”
Mr. President, this is a blatant lie—isang malaking kasinungalingan.
I wish I did not have to borrow your time and this Privilege Hour to demonstrate how crooked my accuser is. I know most of you have probably witnessed the proceedings in the investigations conducted by both Houses of Congress where he has so far appeared. But I beg your indulgence in defense of my name which Mr. Hernandez conveniently dragged to take the heat off him and his cabal; a desperate attempt to divert attention away from the real issue—his own involvement in ghost projects and questionable dealings.
Batay sa aking mga nakalap na Sinumpaang Salaysay ng ilan sa mga kawani ng DPWH at mga kasamahan ni Mr. Hernandez, malinaw na sangkot siya sa mga ghost projects sa Bulacan. Pinatotohanan ito ng hindi lamang isa kundi tatlong opisyal na nagsabing siya at si Arjay Domasig, Project Engineer I ng Bulacan First District Engineering Office, ay kapwa kasangkot sa mga proyektong ito.
Pinatotohanan din ito nina John Michael Ramos, dating OIC ng Construction Section ng Bulacan 1st District Engineering Office; Ernesto Galang, hepe ng Planning and Design Section ng parehong distrito; at Norberto De Leon Santos, hepe ng Quality Assurance Section. Lahat sila ay nagbigay ng Sinumpaang Salaysay na nagdidiin kay Brice Ericson Hernandez.
Ang dalawang ito (sina Hernandez at Domasig) ay kabilang sa tinagurian ni Senator Panfilo Lacson na “BGC boys” o Bulacan Group of Contractors—mga suki sa casino. Si Brice, a.k.a. Marvin Santos De Guzman ay nakapaglustay ng aabot sa P435 million at nakapag-launder ng perang humigit sa isang bilyong piso, samantalang si Arjay, alias Sandro Bernardo Park, ay umabot naman sa P16.9 million ang natalo sa casino.
Malinaw ang paglalahad ng ating kasamang senador—na ang kanilang mga gawain ay nagpapahiwatig na sila’y sangkot sa paglilinis o paglalaba ng mga nakulimbat nilang pondo ng bayan.
Sa aking pagtatanong nitong nakaraang Lunes sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa general manager ng Syms Construction Trading na si Ginang Sally Santos, inamin niya na naghatid sya ng kabuuang ₱1 bilyon mula taong 2022 hanggang taong 2025 sa DPWH at iniaabot ‘yun kay Mr.Brice Hernandez. Ayon pa kay Ginang Santos, ang halaga ng pera na kanyang dinadala—na minsan ay nakalagay sa mga kahon ng noodles—ay depende sa proyekto, at minsan ay umabot ng ₱245 milyon sa isang hatid.
Sinabi rin ni Ginang Santos na si Mr. Hernandez at DPWH Engineer Jaypee Mendoza, chief ng DPWH Bulacan’s Construction Division ay ginagamit ang lisensya ng Syms Construction para sa mga proyekto nila.
Si Mr. Mendoza na may alias na Peejay Castro Asuncion na pinangalan din ni Senator Lacson na kabilang sa BGC Boys ay may kabuuang P418 million na nilustay sa iba’t ibang casino at nakapag-launder ng perang mahigit 280 milyong piso.
Kung nakakapagpatalo ng daang milyon si Mr. Hernandez sa casino, hindi na rin siguro nakapagtataka kung bakit hindi siya nalalayo sa mga Discaya pagdating sa paramihan ng koleksiyon ng mga sasakyan.
Nauna nang inamin ni Mr. Hernandez na siya at ang kanyang asawa—na isang dating rank-and-file employee ng GSIS—ay nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan gaya ng Dodge Challenger, Toyota Supra, at Lamborghini Urus Performante. Hindi ito karaniwang pag-aari ng isang empleyado ng gobyerno. At hindi pa dito nagtatapos ang listahan, Mr. President.
His garage includes:
- Ford Everest
- Ford Territory
- Toyota Corolla Cross
- Suzuki Jimny
- Mitsubishi Pajero
- Honda Civic Type R Turbo
Add to this is his collection of high-end motorcycles:
- BMW R1250GS
- Yamaha TMAX
- BMW C400 GT
- Ducati XDiavel Nera
- Honda Goldwing
- Ducati Streetfighter
- BMW R1300GS
- Vespa scooter
His wife, too, owns:
- Two Toyota HiLux
- Toyota Fortuner
- Kia Carnival
- BMW X3
- Toyota Land Cruiser
- Vespa Primavera
- Honda
- BMW M1000RR
Mga kaibigan, Ginoong Pangulo, Brice Hernandez claims these vehicles are part of a buy-and-sell business run by his sibling. But why are all these vehicles registered under their names? Bakit nakarehistro sa kanilang pangalan ang mga sasakyan sa kanilang pangalan kung ito ay para sa buy and sell business itong ginagawa nila?
Magkano ba ang sahod ni Hernandez? Sapat ba ang kanyang kita—o ng kanyang asawa—para magkaroon ng ganitong karangyaan?
Mr. President, ginagamit bilang umano’y ebidensya laban sa akin ang mga larawang kuha sa iba’t ibang okasyon gaya ng birthday party. Makailang beses ko man na nakadaupang palad si DE District Engineer Henry Alcantara, kaya kong humarap sa kahit sino at sabihin na hindi ko siya personal na kilala.
Mismong ang Pangulong Marcos na nga ang nagsabi na ang mga larawan natin na mga opisyal o public figures ay hindi sapat na batayan para patunayan at masabing talagang kilala natin ang mga nakaka-salamuha natin.
To quote President BBM: “Alam naman ninyo yan, ine-namedrop lahat. Magpapakuha ng picture tapos sasabihin ‘O tingnan mo malapit kami.’ Eh sa isang araw isang libo yung nagpapa-picture sa akin eh, so lahat ng isang libo na ‘yun eh malapit sa akin? People have to be more careful at huwag silang masyadong gullible.” End of quote.
Tungkol naman sa sinasabi niya hinggil sa isang nagngangalang “Beng Ramos” na nagpakilala daw na miyembro ng aking staff sa Senado, malinaw sa ipinakita niyang text exchanges sa kanyang cellphone na nangyari ang kanilang pag-uusap tungkol umano sa isang pagdadala/pagde-deliver ng pera noong December 22, 2022.
Mr. President, anim na buwan pa lamang po ako noon mula nang mahalal muli sa Senado. Wala akong kinalaman or anumang partisipasyon sa budget deliberations para sa 2022 budget. Mag-iimbento na lang ng kwento, sablay pa.
Mr. President, there is no one among my staff named Beng Ramos. Wala akong staff o consultant na Beng Ramos. No such person has ever been employed, much less authorized, to use my name or act on my behalf.
Mr. President, let me just share that even before the resumption of the third hearing of the Blue Ribbon Committee last Monday, I received warnings from various quarters. I was told that if I continue to actively participate in the investigation on ghost flood control projects, I will become an “easy target.” An easy target, they say, because of accusations hurled against me in the past relating to the PDAF issue.
Mr. President, I told these people warning me and as I have stated at the start of the Senate investigation into these public works anomalies, hinarap ko po sa hukuman lahat ng kasong inihain laban sa akin. Hindi lang ako sumuko ng kusa noong ako’y pinaratangan at ikinulong. Ako po’y nakipag-laban ng patas sa proseso ng batas at hustisya at naghintay ng matagal na panahon sa pagdating ng hatol sa mga kasong ito. Hindi ako nawala, nagtago, tumakas o nag-bintang ng mga taong walang kinalaman sa mga akusasyon laban sa akin. At great cost to my family, my freedom, and my political career, I have acquitted myself of the grave charge of Plunder before the bar of justice and the legal system we are all sworn to uphold.
Should that sad and dark chapter of my life be reason for me now to do nothing, say nothing and just keep quiet when my job as an elected Senator of this country calls on me to take a stand and expose these people?
No Mr. President. I cannot and will not shirk from my sworn duty to ferret out the truth. I will not be silenced when I know I can contribute something to the task at hand. I will continue to do my best to be worthy of the support that I was generously given by the people who elected me back to this Senate.
Tama ang mga nagbigay ng babala sa akin – I am an easy target. Kaya isang araw pagkatapos ko sabihin na dapat i-contempt ang sinungaling na si Brice Hernandez, tumakbo sya sa Kongreso para ilako ang isang kwento na sa tingin nya ang madaling paniwalaan. Hindi lang yon. Paulit-ulit nyang sinabi ang “akala nya safe sya” – walang galang na, halatang galing pa sa isang script na binabasa.
Marami sa akin ang nagsabi, huwag ko patulan ang isang tao na sa sobrang kapal ng mukha, nakuha pang mag casino habang iniimbestigahan ang mga krimen nya dito sa Senado.
Mr President, kung nakuha kong humarap sa kaso at tanggapin ang kaparusahan ng isang krimen kung saan ako ay napawalang sala, lalong kaya kong harapin ang isang Brice Hernandez na lantarang sinungaling at magnanakaw.
Ang sabi ni Senador Marcoleta, “safe ka na”.
With due respect to our colleague,
Hindi po, Senator Marcoleta.
Hindi ako, hindi ikaw, at lalong hindi safe ang taong-bayan.
Hanggang may mga Brice Hernandez na engineer ng kasinungalingan at pandarambong, ay hindi tayo safe.
Hanggang may mga ghost projects sa DPWH at iba pang ahensya ng gobyerno, hindi safe ang pera ng bawat Pilipino na nagbabayad ng buwis. Isipin na lang ninyo, takot na takot ang mga kababayan natin basta BIR na ang kaharap habang may mga walang konsensyang tao na isinusugal lamang sa casino ang pera na pinaghirapan at binuno nilang ibayad.
Hanggang may mga tao na nagbabayad, nananakot at ngayon ay pilit na nililihis ang kwento, ay hindi tayo safe.
Mr President, if my opponents think that they can weaponize my past to stop me from investigating, nagkakamali sila. If my critics think that funding a social media campaign against me will prevent me from going after liars, thieves and crooks, hindi nila ako kilala.
I have been bashed and now targeted for the way I go after lying witnesses. Totoo, brusko ako magtanong at minsan ay naninigaw pa. But I make no apologies. Subukan ninyong humarap sa mga taong sinungaling na ay mayabang pa, mga witness na halatang halata na niloloko ka, mga opisyal ng gobyerno na nagmamalinis at nagtuturuan – tingnan natin kung hindi kayo magalit.
Mr President,
My brother Senator JV Ejercito is known as the “good one”.
Ok lang po yon, dahil kapatid ko sya.
But let me be known as the other Estrada who went after the bad ones.
I will expose and relentlessly pursue the bad ones, regardless of the risk and notwithstanding the cost. Hindi ako natatakot at lalong hindi ko papayagan na gamitin ng masasamang tao ang nakaraan ko, para lamang patahimikin ako.
I have been jailed, vilified, crucified and publicly humiliated.
But I will never allow the likes of Brice Hernandez to turn the tables on me –kayo ang nasasakdal sa mata ng taong bayan – hindi ako.
Mr President,
I vow — never to let the masterminds and engineers of this massive defrauding of the Filipino people to silence me.
Hindi pa ako tapos at lalong hindi ko kayo uurungan.
Mr President,
Maraming salamat po at mabuhay po kayo.