A FINE of ₱25,000 and imprisonment of one to two years await those who refuse to comply with the government-mandated ₱50 daily salary increase for minimum wage earners in Metro Manila starting July 18.
Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada issued this warning as he also pushes for a measure that would impose stiffer penalties on employers who violate prescribed wage increases and adjustments.
“Our workers deserve not just a decent wage, but the assurance that it will be implemented and protected,” said Estrada, a staunch labor advocate, citing the penal provision in Wage Order No. NCR-26, which grants a ₱50 increase in the daily minimum wage in the National Capital Region (NCR).
Under the said wage order, which was approved last June 24 by the NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), the minimum wage will be ₱695 for the non-agricultural sector, and ₱658 for the agriculture sector, service and retail establishments employing 15 or fewer workers, and manufacturing establishments regularly employing less than 10 workers.
“Taon-taon naman halos ay may ipinatutupad ang ating mga RTWPB na pagtaas sa arawang sahod ng ating mga manggagawa. Pero hindi sapat na ianunsyo lang ang dagdag-sahod. Dapat may ngipin ang ating batas para matiyak na susundin ito ng lahat ng employer — malaki man o maliit ang kumpanya,” Estrada stressed.
The veteran lawmaker emphasized the need to fully protect workers’ rights and uphold the spirit of social justice enshrined in the Constitution.
Estrada is set to re-file his bill seeking to amend Republic Act No. 6727 or the “Wage Rationalization Act,” to increase fines and introduce stricter enforcement mechanisms against non-compliant individuals, corporations, and other entities.
Under Estrada’s proposed measure, violators of mandated wage increases face a fine of not less than ₱100,000 plus moral damages of up to ₱30,000 for each affected worker, in addition to litigation costs and attorney’s fees. They may also be sentenced to imprisonment of two to four years, or both, at the court’s discretion.
The bill also introduces a stronger enforcement framework, including automatic garnishment of financial assets and properties of violators in case of non-payment of fines. Should the violator be a corporation or partnership, responsible officers such as the president, CEO, or managing director will be held personally liable.
Estrada noted that despite existing laws, non-compliance with wage orders remains a persistent problem, with many workers — especially those in the informal sector and those hired through contractors — being denied the pay they rightfully deserve.
“The Constitution mandates a living wage. Yet we struggle even to enforce the minimum wage in many areas. This bill seeks to close that gap. By increasing penalties and improving enforcement, we send a strong message: wage theft will not be tolerated,” he said.
Estrada expressed confidence that the proposed measure will get bipartisan support in the Senate, noting that it will advance workers’ rights and promote fairness in the workplace.
“This is not just about penalties; it’s about justice and dignity for the Filipino worker,” he emphasized.
Jinggoy, isinusulong ang mas mataas na multa at kulong para sa mga employer na lalabag sa wage orders
MULTA na nagkakahalaga ng ₱25,000 at pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon ang maaaring kaharapin ng mga employer na hindi susunod sa itinakdang ₱50 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila simula Hulyo 18.
Ito ang babalang inihayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada kasabay sa pagsulong ng kanyang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga employer na lalabag sa mga itinatakdang umento o pag-aayos sa sahod ng mga manggagawa.
“Ang mga manggagawa ay hindi lamang dapat makakuha ng disenteng sahod, kailangan ding siguruhin ng pamahalaan na ipinatutupad ito ng kanilang mga employers,” ani Estrada, isang kilalang tagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawa, patungkol sa penal provision ng Wage Order No. NCR-26 na nagbibigay ng dagdag na ₱50 sa minimum daily wage sa National Capital Region (NCR).
Batay sa nasabing wage order na inaprubahan noong Hunyo 24 ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), magiging ₱695 ang minimum wage sa non-agricultural sector, at aabot naman sa ₱658 ang para sa mga nasa agrikultura, service at retail establishments na may kasalukuyang 15 na manggagawa, at sa manufacturing establishments na may 10 empleyado.
“Taon-taon naman halos ay may ipinatutupad ang ating mga RTWPB na pagtaas sa arawang sahod ng ating mga manggagawa. Pero hindi sapat na ianunsyo lang ang dagdag-sahod. Dapat may ngipin ang ating batas para matiyak na susundin ito ng lahat ng employer — malaki man o maliit ang kumpanya,” sabi ni Estrada.
Iginiit ng beteranong mambabatas na kailangan na ganap na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa at isakatuparan ang diwa ng social justice na nakasaad sa Konstitusyon.
Sinabi ni Estrada na kanyang isusulong muli ang kanyang panukalang amyenda sa Republic Act No. 6727 o ang “Wage Rationalization Act,” para dagdagan ang multa at magpatupad ng mas mahigpit na mekanismo laban sa mga lumalabag sa wage orders na mga indibidwal, kumpanya, o organisasyon.
Sa ilalim ng panukala ni Estrada, ang mga lalabag sa kautusan na dagdag-sahod ay papatawan ng multang hindi bababa sa ₱100,000, kasama ang moral damages na hanggang ₱30,000 kada apektadong manggagawa, bukod pa sa gastos sa paglilitis at attorney’s fees. Maaari rin silang masintensyahan ng pagkakakulong ng dalawa hanggang apat na taon.
Nakapaloob din sa panukala ni Estrada ang pagpapaigting sa sistema ng pagpapatupad, kabilang ang awtomatikong pagsamsam ng ari-arian at pinansyal na asset ng mga lalabag kung hindi sila makabayad ng multa. Kung ang lumabag ay isang korporasyon o partnership, ang mga opisyal nito gaya ng presidente, CEO, o managing director ay personal na mananagot.
Sa kabila ng mga umiiral na batas sinabi ni Estrada mayroon pa rin na mga hindi sumusunod sa wage orders, lalo na sa mga manggagawang nasa informal sector at sa mga contractual.
“Ipinag-uutos ng Konstitusyon ang pagkakaloob ng living wage. Ngunit hirap pa rin tayong ipatupad ang minimum wage sa maraming lugar. Layunin ng panukalang ito na punan ang kakulangang iyon. Sa pamamagitan ng pagtaas ng parusa at pagpapatibay ng pagpapatupad ng mga kautusan, malinaw ang mensahe na nais nating iparating: ang pagnanakaw sa sahod ay hindi kukunsintihin,” aniya.
Kumpiyansa si Estrada na makakakuha ng suporta mula sa kanyang mga kasamahan sa Senado ang kanyang panukala na layong ipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa at isulong ang pagiging patas sa trabaho.
“Higit sa parusa, katarungan at dignidad ng manggagawang Filipino ang itinataguyod natin dito,” giit ni Estrada.