Keynote Speech at the Parangal ng Sining 2025 on the Lifetime Achievement Award for former President Joseph Ejercito Estrada

SPEECH OF SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE JINGGOY EJERCITO ESTRADA

Film Development Council of the Philippines (FDCP) 

Parangal ng Sining 2025

Seda Vertis North, April 11, 2025

Magandang gabi po sa inyong lahat. 

To be honored by your peers is the ultimate recognition of one’s talents and achievements. 

On behalf of my father, former President Joseph Ejercito Estrada, and our family, I would like to thank the Film Development Council of the Philippines (FDCP) for bestowing the Lifetime Achievement Award upon my father. 

Dalawang buwan lamang ang nakaraan nang bigyan din ng pagkilala ng aking mga kasamahan sa Senado ang aking ama at ina, ang dating First Lady at former Senator Loi Ejercito Estrada.

As their son, no words can express the pride I feel for my parents and the legacy they have built in their respective fields. 

Mahirap pantayan at mas lalong mahirap higitan ang kanilang mga nagawa, lalo na ang aking ama, mapa-Senado man o sa larangan ng pagiging alagad ng sining. 

Kapag sinabing MOWELFUND at Metro Manila Film Festival, hindi maaaring isantabi ang pangalang Joseph “Erap” Estrada. My father was once, not just an actor and movie producer. He was a visionary, truly an icon of the industry. 

Naglipana man ang mga fake news, hinding hindi mababaluktot ang katotohanan sa mga nagawa ang aking ama sa pinakamamahal niyang industriya ng pelikulang Filipino. Hindi ko na iisa-isahin ang kanyang mga nagawa dahil kayo mismo ay makapagpapatunay nito. 

Nandito ako ngayon para tanggapin, sa ngalan ng aking ama, ang pagpapahalaga ninyo sa mga naging ambag at pamana niya sa industriya na nagbigay pangalan at naging daan sa kanyang pagiging lingkod bayan. 

This award is not just a celebration of a remarkable career as an actor; it recognizes a lifetime dedicated to using art as a platform for social change and national pride. 

It also pays tribute to a man who never turned his back on the industry that gave him his start, even as he rose to the highest office in the country. 

As his son, I am deeply honored to witness how the industry he loves continues to embrace and acknowledge his legacy. This moment reaffirms that my father’s contributions – his passion, his dedication, and his belief in the power of cinema – have made a lasting impact not only on screen but also in the hearts of many. 

Ang maparangalan ng kanyang mga kapwa artista at kasamahan sa industriya ay marahil isa sa pinakamahalagang pagpupugay na maaari niyang matanggap. Hinding hindi namin makakalimutan ang pagkilalang iginawad ninyo sa aking ama. 

On behalf of my father and our entire family, I would like to express our heartfelt gratitude to the Film Development Council of the Philippines. 

Maraming, maraming salamat po. Mabuhay ang pelikulang Filipino!