Privilege Speech: Laban sa Malaswang Nilalaman: Proteksyon Para sa Kabataan

PRIVILEGE SPEECH

SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA

16 December 2024

3RD REGULAR SESSION, 19TH CONGRESS

Senate of the Philippines

“Laban sa Malaswang Nilalaman: Proteksyon Para sa Kabataan”

Mister President, my dear colleagues, I rise before you on a matter of collective and personal privilege. 

Mabigat sa kalooban ko na talakayin sa plenaryong ito ang mga hindi kanais-nais at hindi katanggap-tanggap na nangyayari sa industriyang malapit sa puso ko at bahagi rin ako – ang industriya ng pelikulang Pilipino. 

Makailang beses na rin akong tumayo para ipaglaban ang naghihingalong film industry natin dahil naniniwala ako sa galing at talento ng ating mga alagad ng sining sa pinilakang tabing. 

Ngunit sa pagkakataong ito, labis kong ikinalulungkot na ipabatid sa inyo ang usaping ito. 

I rise today to express my deepest concern and strongest condemnation over the proliferation of and easy access to vulgar, explicit, and pornographic content on streaming platforms, particularly on Vivamax. 

Mr. President, the Philippines is a nation deeply rooted in moral values, family traditions, and respect for human dignity. However, these principles are being challenged by platforms that prioritize profit over social responsibility. 

Vivamax, a subscription-based popular streaming service, has gained attention not for its meaningful and family-oriented content, but for inundating the digital space with films and shows filled with graphic, sexual, and exploitative material.

While I acknowledge the importance of artistic freedom and creative expression, these should come with boundaries, especially when they begin to undermine our society’s moral fabric. 

This situation is even more concerning because many of these materials are easily accessible and may target younger audiences, who are more susceptible to influence.

Buong pagmamalaking inanunsyo ng kumpanyang Vivamax na pumalo na sa 12 milyon ang kanilang subscribers as of October 10, 2024. 

Bagama’t may mga comedy, drama, romance, horror movies at, concerts na mapapanood sa ilalim ng rebranded na streaming platform ng Viva Communications Inc. na kilala na ngayon na VMX, ang unang bubungad sa subscriber ay ang tinatawag nilang sexy contents. 

A subscriber can gain access to their platform for P169 to P499 a month. 

Article 201 of the Revised Penal Code (RPC) prohibits the distribution, exhibition, or sale of content deemed immoral, obscene, or indecent, covering literature, films, music, artworks, performances, plays, scenes, acts, and shows. 

Ginoong Pangulo, malinaw ang batas. Malinaw na nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng anumang malaswa at mahalay na materyal na maaaring magdulot ng pagkasira ng moralidad ng publiko. 

May parusang aabot sa anim na taon, multa na mula P20,000 hanggang P200,000 at pagkansela ng permit o lisensya ang sinumang lalabag dito. 

Ngunit tila hindi ito sapat para mapigilan ang mga plataporma gaya ng Vivamax sa pagpapalaganap ng ganitong uri ng nilalaman. 

Nauna nang tinawag ng pansin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Vivamax bunsod na rin ng mga reklamong natanggap ng ahensya sa malalaswang ipinalalabas nito. 

Sa isang nilagdaang kasunduan o memorandum of agreement (MOA) noong Enero ng nakaraang taon, nangako ang Vivamax na mag self-regulate.

Vivamax committed to “ensure that the content on its platforms are aligned with contemporary Filipino cultural values, not objectionable for being immoral, indecent, contrary to law and or good customs, injurious to the prestige of the Republic or its people or with a dangerous tendency to encourage the commission of violence or of a wrong or crime.”

Ngunit tila hindi tumutupad ang Vivamax sa kasunduang ito dahil sa isang monitoring na isinagawa ng MTRCB, lumalabas na mga pelikulang pang-streaming platform ng kumpanya ay nababagay lamang sa mga porn sites. 

Are we normalizing porn on streaming platform now? Ang mga ganitong klaseng pelikula ba ang magsasalba sa industriya?

Bilang kasangga ng mga taga-industriya, kaisa nila ako sa pagtataguyod at pagnanais na mapasigla muli ang naghihingalong pelikulang Filipino. Hindi ko pinapalampas na hindi bigyan ng pagkilala ng Senado ang mga pelikulang pinarangalan ng mga international award-giving bodies. Ito ay paraan ko na rin upang mahikayat pa ang pagiging malikhain at linangin ang talento ng mga kababayan natin. 

Hindi po ito usapin ng censorship kundi ng proteksyon ng ating mga kababayan laban sa mga ganitong klase ng content online na sumisira sa kanilang moralidad at pananaw sa buhay. 

Wala akong nakikitang redeeming values na mapupulot ang mga manonood kundi ang pagsilbihan ang mga tumatangkilik ng kalaswaan, kawalan ng respeto sa dignidad ng tao at pagkakitaan ang ganitong klase ng pelikulang ipinalalabas sa streaming platform. 

The normalization of such content erodes the fundamental principles of respect, decency, and empathy, which are essential for individual well-being and social cohesion. As consumers of digital content, we must be vigilant and discerning about what we watch and share. Content creators must likewise recognize their responsibility in shaping public discourse and cultural norms.

Bago ako magtapos, napag-alaman ko rin na may nangyayari rin na diumano’y pagsasamantala sa mga artistang gumaganap sa malalaswang pelikulang ito ng Vivamax. Kapalit ng pagbilad ng kanilang katawan sa harap ng kamera ay ang halagang labinlimang libong piso (P15,000) lamang.

Fifteen thousand pesos kada araw at sa loob ng dalawang araw ay makakagawa na sila ng isang full-length movie para sa streaming platform. Kaya hindi nakakapagtaka na madali silang maka-produce ng ganitong klaseng sa loob ng maiksing panahon. 

Muli, nais ko na bigyan na diin na sa pagtayo ko dito sa plenaryong ito sa usaping ito, hindi ko hinahadlangan ang pagiging malikhain ng mga alagad ng sining. Naninindigan lamang ako upang bigyan ng wakas ang ganitong uri ng kabuktutan sa ngalan ng ating mga kabataan, pamilyang Filipino at ng ating bayan. 

Maraming salamat po.