Jinggoy files bill criminalizing interference with labor unions, harassment of workers

Adding teeth to workers’ right to form unions
Jinggoy files bill criminalizing interference with labor unions, harassment of workers

SENATE President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada is pushing for the approval of his proposal that seeks to boost the rights of workers to organize by making it a crime for employers and government authorities to interfere with or harass those joining workers’ unions.

“Despite the constitutional rights that guarantee workers the freedom to form and join organizations of their choosing, many still encounter harassment, coercion, and intimidation from various sources. These actions ultimately seek to suppress the voice of the labor force,” Estrada, a known labor advocate, said in filing Senate Bill No. 2735.

SBN 2735 or the proposed “Strengthening the Freedom of Association of Workers’ Act,” seeks to address gaps in the Labor Code and reinforce the implementation of Article III, Section 8 of the 1987 Constitution which guarantees the right to form unions, associations, or societies without restriction.

Under the measure, it would be illegal for employers or government authorities to prevent workers from joining unions or to require them to give up membership in any. This includes forcing workers to attend anti-union seminars, discouraging union support during elections, or hindering union operations.

Also under the proposal, workers cannot be penalized or discriminated against in their jobs or denied access to government services based on union membership.

It likewise states that barring workers from government aid based on union membership, preventing union leaders from fulfilling their roles and interfering with union functions shall be unlawful.

Harassing or forcibly interrogating workers, organizers, workers’ organizations, or union officials on the basis of mere membership or affiliation to labor organizations or unions is also prohibited.

Collecting or using personal data of workers, labor organizers, workers’ organizations, or union officials such as name, home address, and contact details which can be used for harassment and profiling is likewise disallowed.

“Any person who restrains, harasses, coerces, or unduly interferes with any worker or workers’ association or union, in the exercise of their rights to self-organization or in any manner commits any violation of Sections 5 and 6 of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than P100,000 or imprisonment of not less than one year but not more than two years, or both, at the discretion of the Court,” Estrada said.


Jinggoy, isinusulong ang panukalang batas kontra sa panghihimasok sa unyon, harassment ng mga manggagawa

NAGHAIN ng panukalang batas si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na nagnanais na ituring na isang krimen ang panghihimasok ng mga employer at ng gobyerno kontra sa pagbuo ng unyon ng mga manggagawa, kasama na ang pag-harass sa sinumang nagnanais na sumali dito.

“Sa kabila ng paggarantiya sa ilalim ng Konstitusyon sa karapatan at kalayaan ng mga manggagawa na bumuo at sumali sa mga organisasyong kanilang pinili, marami pa rin ang nakararanas ng harassment, pamimilit at pananakot ng iba’t ibang sektor. Ang mga ganitong gawain ay naglalayong supilin ang tinig ng sektor ng manggagawa,” ani Estrada, na kilalang tagapagtanggol ng mga manggagawa, sa kaniyang inihaing Senate Bill. No. 2735.

Sa kanyang pagtutulak ng agarang pagpasa ng SB 2735, o ang panukalang “Strengthening the Freedom of Association of Workers’ Act,” layon ni Estrada na punan ang mga kakulangan sa Labor Code at palakasin ang pagpapatupad ng Article III, Section 8 ng 1987 Constitution na ginagarantiyahan ang karapatang bumuo ng unyon, asosasyon o samahan nang walang paghihigpit.

Gagawin ding krimen ang pagbabawal ng mga employer o awtoridad ng gobyerno ang mga manggagawa na sumali o pilitin sila na talikuran ang pagiging miyembro ng unyon.

Nakasaad din dito na hindi pwedeng pilitin ang mga manggagawa na dumalo sa mga seminar na laban sa unyon, hikayatin sila na huwag suportahan ang unyon sa panahon ng halalan, o hadlangan ang operasyon ng unyon.

Dagdag pa rito, bawal ding parusahan o diskriminahin ang mga manggagawa sa kanilang trabaho o pagkaitan sila ng serbisyo ng pamahalaan dahil sa pagiging kasapi nila ng unyon.

Nakasaad din sa panukala na labag sa batas ang pagbawalan ang mga manggagawa na makatanggap ng tulong mula sa gobyerno base sa pagiging kasapi nila ng unyon, pigilan ang mga lider ng unyon na tuparin ang kanilang mga tungkulin, at panghimasukan ang mga gawain ng unyon.

Ipagbabawal din ang pag-harass o interrogation ng mga manggagawa, organizer, mga organisasyon ng mga manggagawa o mga opisyal ng unyon batay lamang sa kanilang pagiging kasapi o kaanib sa mga organisasyon o unyon ng manggagawa.

Ang pangangalap o paggamit ng personal na impormasyon ng mga manggagawa, union organizers at mga opisyal nito o anumang organisasyon ng mga manggagawa gaya ng pangalan, tirahan, at mga contact details na maaaring gamitin sa harassment at profiling ay ipinagbabawal din.

“Sinumang tao na pumipigil, nangha-harass, namimilit, o labis na nakikialam sa manggagawa, asosasyon o unyon ng manggagawa na pinapairal ang kanilang karapatan sa pagbuo ng organisasyon, o sa anumang paraan ay gagawa ng paglabag sa mga probisyon ng Sections 5 at 6 ng panukalang batas na ito ay mapaparusahan ng multa na hindi bababa sa P100,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi lalampas sa dalawang taon, o parehong ipataw ayon sa pagpapasya ng Korte,” ani Estrada.