Statement on San Juan City’s new ordinance on evacuation centers

Ridiculous, unreasonable, nonsensical, preposterous,whimsical, capricious.

Saan ka nakakita na ang mga nagmamagandang loob at nais makiramay sa mga nangangailangan ay maaari pa palang pagmultahin kung hindi dadaan muna sa Office of the Mayor? Para mag-paalam? Sa panahon na sakuna, ang lahat ng klase ng tulong ay mahalaga lalong lalo na sa mga nangangailangan – ang mga biktima.

Ang mga ganitong panuntunan, bureaucracy na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ng San Juan, imbes na makahikayat ng mga donors ay mawawalan ng gana, worse, matatakot pa dahil sa banta ng multa. Ang mga mamamayan ng San Juan ang talo dito. Kawalan nila ito.

Kahit ilang beses akong pagmultahin ng P5,000, hindi ako matitinag na magpaabot ng tulong sa aking mga nangangailangan at nakakaawang mga kababayan. Bilang isang mambabatas, alam ko na walang umiiral na batas na nagbabawal tumulong sa mga nangangailangan lalo na in times of emergency.