JingFlix: Kapitana Cathy Dunnan

Noong nakaraang Miyerkules, December 8, bumisita ang Jingflix Caravan ni Sen. Jinggoy sa Sta. Ana, Manila. Napakarami ng dumalo at nakiisa. Kitang-kita sa mga tao ang pagka-miss sa kanya. Bakas din sa kanilang mga mukha ang labis na tuwa. Isa sa mga opisyal si Kapitana Cathy Duannan, Chairperson ng Zone 86, na tumestigo at nagpaalala sa walang sawang pagtulong ni Sen. Jinggoy, kahit wala siya sa pwesto. Tanda ito ng isang public official na tapat at walang pag-iimbot sa serbisyo sa taong bayan. Si Sen. Jinggoy Estrada, Kasama, Ka-Masa at Kaisa. 


#JinggoyEstrada #AnakNgMasa