UniTeam

Jinggoy Estrada, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa ng apat na partido pulitikal sa bansa

(November 25, 2021 – Manila, Philippines) Lugod na ikinatuwa ni dating senador Jinggoy Estrada ang opisyal na pagsasanib-puwersa ng apat sa pinaka-malalakas na partido pulitikal sa bansa: ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD (Christian Muslim Democrats), Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), at ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) para suportahan ang kandidatura sa pagka-presidente ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at pagka-bise presidente ni Davao City Mayor Sara Duterte. 

Kabilang sa mga lumagda sa nabuong koalisyon ngayong Huwebes ay sina PFP President and South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo Jr., Lakas-CMD President and House of Representatives Majority Leader Rep. Martin Romualdez, PMP President and former Senator Jinggoy Estrada, and HNP President and Davao Occidental Governor Claude Bautista.

Ayon kay Jinggoy na kasalukuyang pangulo ng PMP at tumatakbo muli bilang senador, isang malaking karangalan hindi lamang para sa kanya kung pati na rin sa kanyang ama si dating Pangulong Joseph Estrada ang maging ka-alyado ng tinatawag na Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte. 

“Kami po nina Chairman Bongbong Marcos at Chairperson Inday Sara Duterte ay kapwa mga nagsimula sa paglilingkod sa local government units, bilang isang former vice-governor at governor ng Ilocos Norte, bilang isang former vice-mayor at incumbent mayor ng Davao City, at bilang isang former vice-mayor at mayor ng San Juan City,” turan ni Mayor Jinggoy. 

Sabi pa ni Senator Jinggoy, importante sa kanilang tatlo nina Marcos at Duterte na palakasin ang mga local government units o LGU dahil ito ay kabalikat ng bansa tungo sa kapayapaan at kaunlaran. 

“Bukod sa kaming tatlo po ay pawang mga anak ng presidente, hindi na po talaga maiaalis sa aming kamalayan, sa aming dugo at sa aming mga puso ang makapag lingkod sa ating mahal na bayan. Kaya masasabi ko pong iba ang kalidad ng aming pagse-serbisyo dahil may kaakibat itong marubdob na pagnanasa na makapag bayad ng utang na loob sa sambayanang pilipino na patuloy na nagmamahal  at tumatangkilik sa aming mga pamilya,” dagdag pa ni Estrada. 

Para kay Senador Jinggoy, ang adhikain ng PMP na ipaglaban ang masang Pilipino ay tumutugma sa adbokasiya ng PFP na mabigyan ng buhay na may dignidad ang bawat Pilipino, sa pananaw ng Lakas-CMD na nakatuon sa paglago at pagiging matatag ng pambansang ekonomiya at ang pangarap ng HNP na magandang gobyerno at epektibong liderato. 

“Alam ko pong hindi-hinding magkakamali ang mamamayangPilipino sa pagtataguyod ng Uniteam #BBMSara para sa halalanng 2022.  Mabuhay po ang “BBMSara All” para sa 2022. 

 

 

###